Posts Tagged ‘songs’

“Trese Anyos”

ni Joshua Canlas, 22 March 2018

Ako nga pala’y trese anyos

Trese anyos nang ako’y maligaw

Sa daang hindi ko magawang sumigaw

Kakanan ba o tutungo sa kaliwa

Aking katinuan ay tuluyan nang nawala

Padalos-dalos sa bawat kong hakbang

Ako pala’y malapit na sa pampang

 

“Pagkalunod sa’yo’y nakaambang,”

Sabi nilang mga nakaabang

Sa inaasahan nilang pagbagsak

Ng aking mga pangarap na di na matatahak

Tunay na hindi ko na maramdaman

Ang pagpintig ng puso kong sugatan

 

Trese anyos nang ako’y maging manhid

Luha ko’y tuluyan nang nasaid

Nais kong ilahad ang katotohanan

Ngunit wala akong mapagsabihan

“Panginoon, hindi ko pa panahon,

Bakit ako naghihirap sa ganitong pagkakataon?”

 

Pinili kong maging mapag-isa

Sa pag aakalang wala nang makakasama

Kasinungalingang naging katotohanan

Piniling mahimlay sa sakit at karamdaman

Kaluluwa ko pala’y hindi na nabubuhay

Nagluluksa nang walang karamay

 

Ngayon ako’y trese anyos

May pagsubok na hindi mairaos

Heto ako’t pasuray-suray

Hindi na makalakad ng matiwasay

Ulo’y tila ba umiikot

Pagkalunod bunsod ng kirot

 

Isang bote ng alak kanyang inalok

Isang paligsahang kamatayan ang kalahok

Nakapaligid sa’yo’y mga taong nasusunog

Alak ang dumadaloy sa puso nilang baog

Ni tunay na pag ibig wala nang nilalabas

Pag ibig sa tao’y di na maipamalas

 

Ako ngayo’y nagpaubaya sa kalasingan

Huwag mo akong himasin, kapitan, hawakan

Sikmura ko’y nagliliyab bunsod ng yakapan

Sa bawat haplos may dalang kapusukan

Sa bawat halik nawawala sa katinuan

Kaligayahan pala’y sa katawan matatagpuan

 

Aming pinagpatuloy, pagdidikitang nasimulan

Dinahan-dahan, binilisan, romansahan

Oo! Romansa ang salitang nagbigay ng kalabuan

Hindi ko na maaninag, repleksyon ng katotohanan

“Ito’y pangmatagalan!”

Yan ang nais kong paniwalaan.

 

Ako’y naliligaw, hinahanap ay ikaw

Ikaw na puno ng pag asa at linaw

Ikaw na inuuna ang pangarap

Sa halip na unahin ang tawag ng sarap

Barkada, libog at alak

Tanggalin mo sa iyong sistema nang ika’y hindi mabalalak

 

Ikaw! Hindi na kita matagpuan

Nais kitang kausapin ng masinsinan

Abala ka na sa dikta ng mundo

Abala ka sa pagkamkam ng mga bagay na nandirito

Ang lahat ng ito’y panandalian

Mabilis mawala ng di mo namamalayan

 

Nawa’y bigyan mong pansin

Ang pinararating kong daing

Hindi ako nagbago, walang nagbago

Hawakan mo ang iyong dibdib, nariyan ako

Ikaw, isang pagpapanggap ng saloobin ko

Bumalik ka na, huwag ka nang lumayo

 

Trese anyos na ako.

Advertisements

“Psalm of a Creation”
(January 20, 2013)

The psalm of my heart is to hear Your voice
In my desperation, I choose to trust You
To love You is a feeling incomp’rable
Sadness comes, but my joy is found in You

Amazing to think, as I open my eyes
Miracles are done, angels sing praises
I move toward You, to know You, my King
Every detail of me, I owe to You

In my weakness and poorness, be glorified
Let my nothingness confess Your power
Let me serve my purpose, to proclaim Your Name
To share the Good News to every lost soul

You, O God, exist to proclaim your glory
Your holiness, it brings us to our knees
I am created because of Your mercy
Your grace is enough, it keeps me breathing

To suffer is to experience Your goodness
To mourn is to be glad by Your comfort
I am secured for You’re guiding me always
With my whole being, I will praise you, Lord

Words aren’t enough, You’re indescribable
I will join with Your creation, they’ll sing
Hallelujah! To You, O Majesty
My life be surrendered to You, Lord of hosts

Broken this fragile thing now
And I can’t, I can’t pick up the pieces
And I’ve thrown my words all around
But I can’t, I can’t give you a reason

I feel so broken up (so broken up)
And I give up (I give up)
I just want to tell you so you know

Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there’s just no one that gets me like you
You are my only, my only one

Made my mistakes, let you down
And I can’t, I can’t hold on for too long
Ran my whole life in the ground
And I can’t, I can’t get up when you’re gone

And something’s breaking up (breaking up)
I feel like giving up (like giving up)
I won’t walk out until you know

Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there’s just no one that gets me like you
You are my only my only one

Here I go so dishonestly
Leave a note for you my only one
And I know you can see right through me
So let me go and you will find someone

Here I go, scream my lungs out and try to get to you
You are my only one
I let go, but there’s just no one, no one like you
You are my only, my only one
My only one
My only one
My only one
You are my only, my only one