“What do “teenage-lovestory-themed” telenovelas teach televiewers, especially teenagers?”

Posted: April 14, 2014 in Something's Wrong!
Tags: , , , , , ,

“What do “teenage-lovestory-themed” telenovelas teach televiewers, especially teenagers?”

First thing, hindi ako si Antonietta from Bubble Gang.  Ako si Joshua Canlas and nobody’s Joshua Canlas, ako lang.  Second thing, I have my own style. You won’t hear me na gumagamit ng mga katagang, “Nangyayari bay an sa totoong buhay, Amnesia?” at “Pinapaniwala niyo ang mga televiewers na…” Tsaka masyadong mataray si Antonietta. May puso parin naman ako.

Let’s go down to the business. In this article, we shall list down some of the “perceived” negative things teenagers can learn from “teenage-lovestory-themed” telenovelas. I just coined that term. Let us begin listing down:

1. Suwayin ang mga magulang ng dahil sa infatuation or immature love.

“Ma, nagmamahalan kami. Hindi ko gusting masaktan ka, pero kung hindi mo siya matanggap, wala akong ibang magagawa kundi ang suwayin ka.”

2. Matutong maglayas at subukang magpaka-independent ng dahil din sa immature love na iyon.

“Patawarin mo ako, Pa. Pero kung hindi mo kayang tanggapin ang relasyon nami, I guess I have no other option but to leave this family.”

“Kahit ano’ng trabaho gagawin ko kumita lang.”

3. Commonly, “kiss-and-tell” ang mga teenage-lovers. Pero iba ang tinuturo ng telenovelas, “TELL-AND-KISS.” How?

“Mahal kita. Sana mahal mo rin ako.”

“Oo, mahal din kita.”

Next scene:

Dahan-dahang maglalapit ang mga mukha, and guess what, magdidikit ang mga labi.

MOMENT NAMIN TOH!!! Kissing-kissing…

4. Telenovelas introduce the idea of “Survival of the Flirtest” (and maybe also the fittest).

Ayoko na mag-quote ng mga lines na ginagamit sa mga telenovelas. The Borrowed Wife, The Temptation of Wife, The Legal Wife, My Neighbor’s Wife (basta lahat ng may WIFE, kahit hindi teen-themed you mga iyan, same effect lang din).  May isa pa, My Husband’s Lover.

😛

Basically, the objective is to win over the wife or the husband of the other person. Agawan, kabitan, pasikatan, pagandahan, paseksihan, pamachuhan. Iyun na nga yun. Ano? Explain ko pa? Wag na.

5. Fornication (k.dot)

6. Bestfriend of the bida is always left behind, often neglected.  Friendzoned lagi, kumbaga.  Oo nga, friendzoned. Hanggang doon lang! Ano? Kumbinsido ka na?

“May tatanggap pa kaya sakin maliban sa kanya?  Kung magkakahiwalay kami, mag-isa na lang ulit ako.”

“Hindi ka naman talaga nag-iisa eh. Makakahanap ka parin ng lalake (o babae) na kaya kang tanggapin at handa kang mahalin.”

“Tanggapin, oo. Pero ang mahalin, Malabo yata yun.”

“Malay mo nandyan lang yung taong nakatakda pa sa’yo. Ayaw mo lang bigyan ng pagkakataon.”

“Siguro nga… Ahh sige, mauna na ko.”

-_-

(ano’ng ka-kornihan toh?)

7. Initially, friendzoned si bestfriend. In the end, friendzoned pa rin.  

Mukhang ayaw talaga ng mga writers na magkatuluyan si bestfriend at si bida ah.  Si bida, lagi napupunta sa bagong kakilala lang at never kay bestfriend na matagal ng kakilala. Ano ba yan?  (so ano ba talagang pinaglalaban ko?)

8.  Betrayal or pagtataksil. Pagkasira ng friendship.

“Akala ko ba bestfriend tayo? Hindi ko alam na pati pala sa boyfriend ko, gusto mong makihati.”

“Pare naman, pati ba naman girlfriend ko? Hindi ka pa ba masaya sa meron ka?”

9. Pagpapaka-martir. I shall call this “Kagome-Syndrome.”

“Alam kong hindi ako ang gusto mo. Tanggap ko yun. Ang mahalaga sakin ay Makita kang nakangiti. Yung lagi kang masaya. Kaya mananatili lang ako sa tabi mo.  Hindi ko alam kung ano pa ang kaya kong ibigay sa’yo, pero handa ako.”

-Kagome to InuYasha

Well, I quoted that from an anime scene. Pero maraming telenovelas ang gumagamit ng ganyang script.

Syado eksena ni Kagome, nabasted na nga, na-friendzoned pa.  At hanep, hindi pa nakuntento, trip pang magpaka-martir.  Pakibatukan nga yung kaibigan mong may ganitong sakit, “Kagome-Syndrome.”

Iyan ang ilang sa mga medyo negative things na maaaring matutunan ng mga teenagers sa “teenage-lovestory-themed” telenovelas.  Ayoko na magpakahaba pa ng aking speech. Basta, let us be aware na lang.  It’s okay to be entertained by watching those telenovelas.  Pero yung sobra kang maapektuhan at isabuhay na yung mga napapanood mo, na-a-ah, that’s totally wrong.  Mali. Wrong. Hindi mainam. Not good.

Napaka-antagonistic ko naman kung puro sa negative things ako naka-focus. Next time, we shall list down some of the things we, teenagers, can learn from those, as I coined, “teenage-lovestory-themed” telenovelas.

I would like to thank my supporters out of nowhere.  Kung sinuman kayo at nasan man kayo, just stay there. I mean, keep on supporting me.

For any possible responses, ode magkoment kayo o kaya i-message niyo ko. Tss…

-_-

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s