Testimony of Yeng Constantino in History Makers Conference “NATION TRANSFORMERS”

Posted: January 19, 2012 in Christianity
Tags: , , , , , , , , , , , ,

I am so blessed when I watched this testimony of Yeng Constantino.   So, I decided to put it in written words!

——————————————————————————————————————————————————

Stir up (rekindle the embers of, fan the flame of, and keep burning) the [gracious] gift of God, [the inner fire] that is in you.
-2 Timothy 1:6 (AMP)

Kahit sa kaunting ningas na mayroon dyan sa puso mo magmumula ang naglalagablab na apoy na syang magbibigay ng sukdulang liwanag dito sa mundong nababalot ng dilim at dumadaing ng pag-asa. Umalab ka, apoy sa pusong mong lumiliyab. Kristiyanong Kabataan, kilos na!

————————————————————————————————————————————————————–

Testimony of Yeng Constantino in History Makers Conference “NATION TRANSFORMERS”

Date:  Dec. 21, 2011

Hi, Everyone!  Direct, okay lang kung paki close up yung t-shirt ko kasi nag-effort ako today.  Ako yung kumanta ng “How Wok Kamey, Di Kita Iiwan”.  Ako po si Yeng Constantino.  Di pa ako nagsisimulang  magtestimony, naiiyak na ako.  Ano ba ‘yan?  Ah, I like this feeling.  I feel like dancing like this.  Wait po, kuya.  Well, pa’no ba ako mag-uumpisa?

Bata pa lang po ako sobrang pangarap ko na umakyat ng entablado, merong spotlight, makita yung mga taong nakikinig sa’kin habang kumakanta ako at hindi ko nakita yung sarili ko simula nung maliit ako na papasok ako sa office at naka-yuniporme.  Hindi ko sinasabi na kung masama yun, pero hindi ko lang talaga nakikita yung sarili ko na ganun.  Bata pa lang po ako, passion ko na, yung kumanta sa harap ng salamin at hawak ko yung hairbrush ni nanay ko.  Kinakanta ko pa yung, “Love hurts”(laugh).  Paborito ko yung mga ano, eh, yung mga musikero, yung mga 80’s na parang (can’t understand).  Yung mga Aerosmith, Guns and Roses, (projected a guitar sound; laugh).  Kaya ako, kaya nagustuhan kong mag-aral ng gitara.  Pero yung nanay ko, gusto akong mag-artista.  Pwede!  Pero hindi ako mahilig mag-artista.  Pero sabi ko sa nanay ko, “Hindi, kasi, rockstar ako, eh!” (laugh).

Pero gusto ko talaga so nag-start ako sumali kahit ng mga contest.  Ah, well, siguro kung nanood kayo, sumali ako ng Star for a Million, search for a Star in a Million.  Ah, lahat ng, Starstruck.  Lahat ng may star, basta, gusto ko maging star, eh! (laugh).  Pero, lahat, lahat ng sinalihan ko natalo ako.  Hindi ako nakapasok sa lahat kahit sa second round.  Ay! Di naman pala kasi ayaw ako ni God na maging star, gusto Niya akong manalo sa PinoyDreamAcademy.  Ayun lang pala yun.  Hinde, right timing ko na si God kasi nag-usap kami ng tatay ko, sabi niya, pag, sabi ko, “Pa, bugbog na bugbog na ako.  Lagi na lang akong talo.  Wala na akong self-confidence.  Ayoko nang humarap sa mga kaklase ko, eh, kasi kapag kakamustahin ako, ‘Kamusta contest mo?’ ‘Ha!  Bye!’”.  Gusto kong umescape kasi wala akong masabe, kasi di naman ako nanalo.  Sabi ko sa papa ko, “Papa, parang pagod na ako.  Ayoko, ayoko nang sumali.”  Tapos sabi ng tatay ko sa’kin, “Kung ganyan ang paniniwala mo, sige, kung pagod ka na, kung before mag 18 ka na at hindi ka pa makapasok, sige.  Papasok ka na, mag-co-college ka na.” Gusto ko maging masscommunication na estudyante kasi ako.  Gusto ko maging journalist, gusto kong magsulat.

So, tsk, sige, pero gusto kong kumanta so nagtry ulit ako and nanalo ako sa Pinoy Dream Academy and then natupad yung pangarap ko.  Wow!  Cotton candy, sarap neto, oh!  Ang saya!   Sobrang, sobrang saya ko, kasi lahat ng gusto kasi 18 years old lang ako non, eh! Lahat ng gusto ng isang teenager, lahat meron ako. PSP, PS3, WII, ano ba yon? NINTENDO DS.  Lahat ng bagong cellphone, sabihin mo na, BLACKBERRY, IPHONE, NOKIA, SAMSUNG.  Apat-apat.  Di ko na nga magamit.  Gusto niyo?  Ayaw! (laugh)

Pero nagtataka ako, hindi ako masaya.  Minsan akala mo pag naabot mo na yung pangarap mo, magiging masaya ka na.  Pero parang kulang.  Ba’t ganun ganito ko, ah, dapat masaya ako, ah?  Ahmm, sa parking ba ‘toh?  So, iyon, sobrang nalungkot ako.  So, may isang kasama ko sa ASAP Rocks na ininvite ako sa  isang bible group.  Ininvite ako ni Sam Milby.  Feeling ko may pagtingin siya sa’kin nung mga panahon na iyon, di niya lang inamin agad.  Hehe!  Joke lang.  Pero natuwa ako kasi yung first night na pag-atend ko, sabi ko, “Sakto yung messange, feeling ko ito na yun. Ito yung kulang sa’kin, yung Gospel.”  Kaya attend ulit ako sa small group, umattend ako.  Pero bakit ganun?  Pag tinitingnan ko sila, parang alien pa rin ako.  Parang, nagtataka ako, bakit ang weird?  Yung isang ka-small group ko, kinikilig kay Jesus.  “Ha?  Kinikilig ka kay Jesus?”.  Ha?  So, duh?  Jesus?  Kinikilig? (making sound).  So, hindi ko maintindihan.  Pero, deep in my heart, I know, na parang, iyon yung dapat kong maramdaman.  So, one day, nasa kwarto ako, kinausap ko si God, sabi ko sa Kanya, “Ano pa bang maitatago ko, eh, alam mo na ngang lahat?  Kahit hindi ko sabihin.”  Sabi ko,  “Nag-aatend ako ng small group tsaka ng church, tsaka nagbabasa naman ako ng bible araw-araw.  Pero yung totoo, hindi Kita mahal.”  Iyon yung totoo.  Ginagawa ko yung pag-attend ng small group, bible study, church para i-satisfy yung sarili ko at sabihin ko na okay ako.  Pero yung totoo, hindi.  Yung binitawan kong word kay God that day, sabi ko, “Pero alam ko sa puso ko na dapat Kitang mahalin at gusting-gusto Kitang mahalin.”  Sabi ko, “Lord, baguhin mo ‘toh.  Kasi kung ito yung gusto mo, baguhin mo yung puso ko.  At alam ko na kaya mong gawin ‘yon kasi Diyos ka, eh!  Baguhin mo yung puso ko.” 

Tapos, nagbasa ako ng bible, nasa John na ako non.  Nabasa ko yung bible, John 17:24, iyon yung nagbago ng buhay ko.  Sabi ni God, sa tagalog kasi taga-Montalban ako, kaya yung binabasa kong bible tagalog.  Nung binasa ko yung bible, sabi ni Jesus, nagpepray Siya non para sa mga tao bago Siya ipako sa krus.  Ang dami Niyang sinabi, eh, “Lord I pray para sa mga disciples ko.  Lord I pray na hindi sila mag-scatter pero maging one sila, as You and Me are One.”  Pero may isang sentence don na nag-strike sa’kin, sabi Niya, “At ipinapanalangin ko yung mga taong naniniwala Sa’kin sa buong mundo.  Gusto Ko silang makasama kung saan Ako pupunta.”  Eh, kung hindi ka ba naman ma-inlove kay Jesus non.  King of kings, Lord of lords, gusto kang makasama?  Gusto kang makasa ni God.  Gusto kang makasama ni God.  Hindi lang ako.  Kaya hindi ko kayang ma-contain kung ano yung pag-ibig na nararamdaman ko.  Na kahit sinong kausapin ko, kahit sa saan ako pumunta.  Ngayon mas alam ko na yung purpose kung bakit ako nasa industriyang ito.  Kaya sila na mga nasa labas, gusto rin silang makasama ng Diyos. 

So, iyon, nagsheshare ako ng, minsan naglalunch kami ng mga Yengsters, nagsheshare ako ng Gospel.  Once a month yon, nagsheshare ako ng Gospel.  Nagulat ako, one day, may nalaman ako sa Tweeter, may bible group na sila.  So, iyon, may isa akong dinidisciple na girl.  Ayon, hindi siya girl dati, eh.  Natatawa ako sa sinabi niyang iyon sa friend naming, nagkita kame, “Hi!  Ate!  Babae na ‘ko!”  Kaya mong tulungan yung mga kaibigan mo na malaman nila yung identity nila at kung gaano sila kaganda sa mata ni God.  Di ba?! 

Ngayon, hindi pa ako naglead ng malaking small group, pero one day, gusto kong maglead.  Gusto niyong sumama?  Tara!  Masaya ako na pinakilala sa’kin ni God itong mentor ko.  Siguro kung hindi ako minentor ni Acel, para ako ngayong ano.  Para akong tambay sa kanto.  Pag mainit ulo ko, mag-iinom ng alak tsaka mag-yoyosi.  Pero hindi iyon yung gusto ni God na maging ko, eh.  At marami pang gagawin si God, alam ko.  Minsan, sumasablay pa rin ako.  Pero buti na lang, sobra-sobra yung grace ni God na kaya natin na mag-umpisa, mag-umpisa at mag-grow ng mag-grow ng mag-grow.  Mayroon kasi kaming ano, eh.  May cheer kami.  Ready na ba kayo?  “I am Acel Bisa-van Ommen.  Ako si Yeng Constantino.  A Worshiper.  A Soul-Winner.  A Disciple Maker.  And a Nation Transformer!”

————————————————————————————————————————————————————–

If may ma lipo kayong napuna sa pagtype ko testimony ni Yeng, open po ako for corrections!  Yung iba, parang kulang, di ko kasi maintindihan yung ibang line.  Hehe!

Advertisements
Comments
  1. We learn that God is the creator before we learn that He is love, just, gracious, Trinitarian, and even holy.

  2. Janine says:

    nice . God is really GOOD :)the BEST yung TESTIMONY ni yeng 🙂

  3. Jarry Cortez says:

    Nothing is impossible with GOD (Luke 1:37). Only Jesus who can transform us through FAITH! …Go! Yeng for HIS glory!

  4. joseph ramirez says:

    oh yeah ^^ ,, thats “the way God changes people”

  5. Reblogged this on orangeemotions and commented:
    This was what we talked about awhile ago. Yeng Constantino!! ♥

  6. jane says:

    da best ka tlaga jyeng ang laki ng nai2long ng testimony m skn tn w ng marami

  7. gara says:

    im from canada.
    ganyan din ako pero ang kaibahan nmen i born as a christian kasi sa parents ko… nag aral ako nung ementary ako sa christian school. nag serve ako sa church as a youth leader. tumutugtog ako sa church. at sobrang biniless ako ni God. and specially ung family ko. and now andto na kame sa canada… i know where blessed. kasi lahat kame magaganda ung trabaho na dito but then for me lahat nga nabibili ko kotse, cellphone, iba iba pang guitara named it meron dn ako nun…pero sabe ko sa sarili ko bakit gnun? hnd ako masaya… kasi hnd nko nakakatugtog sa church, hnd nako nag cchurch ang dme ko ngang magagandang guitara wala nmang silbe.=( ibang iba nako ngyon. kesa nun…=( ni magulang ko hnd ko magawang mag obey hnd na nga ako halos nauwe smen eh… but i know God has a plan KUng bakit ako nag strugel ngayon… Life is matter of choice. some Day mag comment ako ulit dito with pictures na Dito nko ulit tutogtog sa canada sa big big Church… To serve him And praise him…. makakaya ko to… To God be the glory

  8. Amen! Amen! Please update us. The moment you said God has a plan for your life is a sign that God is changing you from glory to glory. It may take a little harder and longer, but God has better plan for you. Just ask for a little more courage and strength from God. So glad to meet you!

  9. gara says:

    nice to meet you too…glory To God… yes i need some encouaragement… way back Home ung mentor ko eh wala na kmeng comunication. thats why im confuced now.=( i know nag struggle ako ngayon…marami akong raff roads in life…thank God i have my mom.. who always there For us pra ipag pray kame, Life is a journey walang aksidenteng nang yayare… kya ako ngayon nag ccoment Dito hnd pra mag papansin… kundi pra maging Light and salt to other people…
    i want To serve again sa Music Ministry God Gave me a special Gift… in Gods Time in Gods will makakatugtog ulit ako hnd man ako isa sa mga Leader i will make Sure na kahit maliit na bagay eh honor na un Kay God… =) ilang beses man ako madapa. pilit padin akong binabangon ng panginoon…hnd xa nag sasawang makinig sken Dahil mahal niya ko mahal na mahal nia Tau…. Everything Has a purpose… i remember nung naka encounter ko si God i feel him so much… totoo un na kht gaano mo pa pigilang hnd maiyak eh iiyak ka tlga sa sobrang saya… sa pag mamahal nia…i have a vision i have a gift of speaking tang… i dont Know what happened To me =( nakakalungkot pero hnd ko masabeng ready nko for my consequences eh…. Thanks For reading my Comments… blessing!

  10. gara says:

    nung nag mygrate kame dito ng Family ko sa calagary alberta Canada. sa una mahirap. bakit? eh pano Puro English nakakatawang isipin pero thats the reality … after a week ako ung unang nag ka work samen. Named Jugo juice mga ilang 2 months lang ako after i have another blessing i have a new job again ung ung New York Fries naka 8 Months Din ako Dun. Saya na nakakaloka Kasi hndi maiiwasang my mainngit Sayo. pero God is good kasi Hndi niya hinayaang mag isip ako ng mga Negative thoughts. masaya na malungkot kasi napalapit na sila saken. they treat me as one of there Family Nadin tyka ako din kasi ung pinaka Bata samen, ako din ung pinaka maingay at magulo. kaya nga parang nag Lalaro nalang kame sa work eh. sobrang dami kong natutunan saknila kasi sila nadin ung mga tumayong kuya at ate saken. tyka sobra din nila akong alagaan like pag sa pag kaen sobrang dame nilang palageng dala lalo na ung manager nmen si ate Jho. xa na ung pinaka ate naming lahat. nako! napaka taba ko na nga Dun sa Store na un iih at dahil saknya eh mappromote sana ko as Supervisor kaso… eto nnman hndi talaga nag sasawa ang lord na bigyan ako ng blessings. ayuko mang umalis kaso gusto ko pang Tuparin ung Dream kong maging Chef at gusto ko pading mag Grow dahil nga habang bata kapa sabe nila subukan mo na lahat pero wag lang ung masama Xempre.i know God has a purpose kung bakit ako hndi nag stay sa Company na un even though na puro na kame pinoy Dun ah…i Pray alot Kay God Then answered Prayer na nag apply ako sa isang Comapny which is ung Sunterra market Key note un ung pinaka malaking Brucnh dito sa Calgary yes! Natanngap ako nag start ako as Cahier 2nd Hostess, 3rd Bartender pero sabe ko nga sa sarili ko will not stop Dreaming. i always want to Aim High and theres some opening sa pagiging “CHEF” Answered prayer nnman.=) God is so amazing talaga pero xempre bago ko nakuha lahat ng to eh hndi lang nman ako puro saya. xempre andyan ung pagagalitan ako sa mga Mali ko pero ayos lang kasi natututo ako sa mga mali ko =) mahirap maging chef kasi lahat ng resposible eh nasayo. pero i thank God kasi natupad ko ung Dream. still the same kasi masaya tyka sobrang ang Daming kong natutunan sa pag luluto at ku ng san san pa. dito sa hospitality industry eh iba ibang character ng tao my masunget my mabait,my plastic etc. pero ayos lang kasi as long na nakikisama ka sakanla ng maayos eh ayos lang. tinurin ko din silang Family specially ung mga ibang Chef na kasama ko gnun din sila tumayong mga kaibigan, kapatid, kuya, ate saken. ang dame kong na exprience dito sa company na to sobrang haba ng pasenxang binigay ko sknla xempre my times din na umiiyak ako sa sobrang inis na kung minsan. pero natutunan kong maging matatag at maging maunawain. sabe ko nga sa sarili ko hnding hndi ko malilimutan ang Sunterra ksi sobrang daming opportunities nilang binigay sken sobra silang nag tiwala saken.pero xempre tao lang ako napapagod hndi ksi naging maganda ung management nmen. kaya hndi maiwasang my umalis sa work kaya isa nko dun. nag ask ako ng increase pero ang sabe matatagalan pa at hndi sapat ung increase na ibibigay sken na disappoint ako bakit? kasi hnd sapat ung kinikita ko sa pagiging Chef ko kaya nag decide akong Sumubok ng ibang trabaho na kakaiba ung hndi ko pa tlga na exprience… sobrang nag tyaga ako sa sunterra kahit na maliit ang sahod super Push padin ako kasi alam ko my purpose si God.atleast naranasan kong maging Chef almost 2years din ako sa SUnterra kung ano ano din nabigay saking award. im honord nman na mga naka trabaho ko sila. dumating din ung time na nakasali ako sa comercial ng Sunterra.Malaking bagay na sakin un kasi na expose ako ng sobra sa industry na to. at xempre hndi lang din puro masasaya ng yari saken. yan ung na 911 ako kasi nahiwa ko iung palad ko nasugat ako, tinahi ung sugat ko. pero tuloy padin ako buhay masaya padin ang buhay kahit na mahirap. sabe nila pag nasa ibang bansa kadaw eh mayaman ka.? malaki ang kinikita… oo tutoo na malaki ang kita pero walang madaling trabaho dito sa ibang bansa lahat ng mga bagay na nabili ko eh pinag hirapan ko ng Sobra. kung ako lang mas gusto ko padin sa pinas kasi mas masaya. dito sa canada kung hndi ka mag tratrabaho waley. nganga ka! kasi lahat dito binibili, malungkot dito unlike sa pinas kahit wala kang pera msyado eh ayos lang kasi masaya ka. dito iba. sobrang ibang iba.=( dito my time na umiiyak ako sa lungkot bakit? kasi namimiss ko na ung iba kong family na naiwan sa pinas lalo na ung mga kaibigan ko…church mates =( kaya nga ako nalang din minsan gumagawa ng ikasasaya ko ko eh. hndi din nman ako choosy sa kaibigan hehehe… minsan lumalabas kame, nuod ng sine etc. mnsan iniisip ko kung isa naba ko sa masasamang tao? bakit? kasi nag didis obey ako sa family ko sa parents ko. halos hnd nako umuuwe sa bahay nmen nakikitulog ako dun sa kaibigan ko. uuwi lang ako kapag mag bbgay nako ng pera di kaya pag need nila moomy ng pera. gusto ko lang maging independent . kaso nalalayo ako sa diyos. =( hndi nako nakakapag simba halos. naninigarilio ako umiinom kung minsan… ewan ko ba ung feeling na masaya ako na hndi. =( ung tipong lahat nakukuha ko ngayon meron nakong 6 na guitara, dcellphone na magara… at iba pa pero ung feeling na hndi padin ako masaya. ? alam ko matanda na sila mami dapat nasa bahay nalang ako face the fact na matnda na sila mami… pero matigas talaga ulo ko… hndi padin ako umuuwi smen ng matagal. pag umuwinaman ako smen sobrang saya nila mami, daddy… xempre masaya din ako pag masaya sila. kaya nga keep praying padin ako na baguhin nako ng lord ibalik nko sa dati. anyways maiba ako nakahanap nnman ako ng work my nag offer saken ng job… un ung “Total” oil and Gas company. dito eto ung isa sa mga indemand dito kasi nga medyo maganda ang suweldo. nakapasa ako for 300 people ako lang ung pinili… see? kahit na pasaway ako eh hndi padin nag sasawa ang dyos na bgyan ako ng blessings. maganda dito sa new work ko kasi corporate world. meron akong sariling office.etc. tyka every week na ung suweldo ko. kaya maganda ksi hnd din masyadong stressful tong work k. kaso nag wwork pako sa sunterra.. pero nag bgay ako sknla ng 1week notice na aalis nko… nalungkot silang lahat pati GM nmen nag ooffer na saken ng increase sabe ko nalang eh its too late. kasi nga nman kung kelan nakahanap nko ng work eh dun lang nila ako susuyuin.=( maharap umalis sa work ko kasi napalapit na sila sken pero sbe nila pra yan sayo sa ikagaganda ng career ko, ung oil and gas company eh ka level nia din ung suweldo ng mga nurse dito…=) then bukod sa Sunterra meron pakong part time sa Mariott Hotel nmn Chef ako sa umaga sa Sunterra. after work naman sa Gabi banquet server ako =) oh ha prang my binubuhay lang ako dito ? kaya im blessed kasi mag start nnman ako ng new journey ko dito nag start lang ako nung oct.07, 2013 i hope na tumagal ako =) dont stop beliving your self. always think positive lang sa buhay… at wag na wag kalimutan mag dasal palage… hnfi natatapos ang iisang pangarap lang dapat meron kading bilib sa sarili mo at wag na wag mawawalan ng pag asa sa buhay…at ang bilin ng nanay ko eh Life is a matter of choice totoo un =) so now nag start nako dito sa work ko sa office medyo magaan unlike sa work ko before puro mga French People. minsan naloloka ako na ewan kasi naman ibang iba to sa work ko before napaka Tahimik nila mga nka pormal mga seryoso pero mababait naman sila… un nga lang xempre Hndi lahat. minsan mhirap mkipag Deal saknila pero ok lang yon. ang kaiibahan din dito sa work ko ngayon eh onti lang kameng pinoy pero atleast my mga pinoy =) Dito mabilas lang ang oras kasi sunod sunod naman ung mga gawaiin ko sa una mahirap kasi wala naman akong expreince tlga sa work na to eh…pero ok lang im willing to learn. nun sabe ko sa sarili ko na at age 26 dapat my stable Job nko. at age 27 or 28 naman eh nakapangasawa na dapat ako. Pero??? hmmmm??? 23 palang ako ngayon eh Stable nako sa Work kasi nasa oil and Gas Company nako. =) ang Galing talaga ng Lord! WOW talaga kahit na ganito ko eh sobrang biniblessed padin niya ko. eh after 3 years kaya? ano nako? im 26 na that day… nandito padin kaya ako sa work ko? well will never known.? sobra tlaga akong pinabibilib ng diyos sa madaming bagay kahit na sabhin nating kung minsan eh sa simpleng bagay lang… nakakatuwang isipin na nirerespeto ka ng mga ktrabho mo nakakatuwa ding isipin na tiwalaa sila sakin… kahit na bago palang ako…=) anyways wala namang pag subok na binibigay ang diyos na hndi naten malalagpasan iih… kaya super push lang=) Dream big Aim high… basta ba wala kang inaapakang tao eh… always keep humble to others. at ang pianak mahalaga makuntento ka kung anong kaloob sayo ng diyos. wag kakalimutang tawanan ang problema, palage lang ngumiti… masaya ang buhay =)♥♥♥

    November 27, 2013
    Today is another day hohohoho… Walng Reception sa work nag call en sick so it means ako muna ang papalit amf ayuko neto kasi nakaupo lang mag hapon kaloka, nakakainip pero ayos lang Relax ako ngayon hmmmm.malapit ng mag pasko 3rd Chirstmas ko ng ganto nganga even though masaya nman. sabe nga start Your day with a good good smile… kaya to tong araw na to.=) hndi kasi ako sanay ng nakaupo lang ewan ko ba. nasanay ako siguro na palageng naka tayo sa trabaho. akala ko hndi busy eh sows! hmmm bc sa umaga iih pero ayos lang kasi enjoy naman pahinga ko ngayon… hmmmm sabe ko nga sa boss ko baka my pwede pakong gewan please? hehehe kasi inaantok tlaga ko amf! pero mabilis lang ang oras hahaha minsan naiisip ko na bumalik na talaga sa church mag commit nako ulit as worker gusto ko na kasing bumalik sa Ministry iih…un nga lang ang dame ko pang dapat baguhin sa sarili ko. dapat diba as a christian eh hnd ako nag ddoubt sa mga bagay na alam kong makakabuti sakin na alam kong madaming taong mabibless sa buhay ko… pero lage akong my dahilan sa sarili ko lage akong my pero, bukas nalang, or nect nalang… hndi ba dapat kong isipin na dapat ngayon na dahil sayang ang oras? panahon? pano nalang ung mga pangarap kong makatugtog ulit…? magamit ung mga guitara kong napaka dami… kung wala din nmang gagamit nito? hmmm kaya ewan ko confuce kasi ako. kung ano ba tlaga ko?

    • Please e-mail me here, joshuapcanlas@yahoo.com
      19palang po ako. Also a youth leader in our church. And I hope maging encouragement tayo sa bawat isa.
      God Bless po!

      For I know the plans I have for you,” declares the Lord, “plans to prosper you and not to harm you, plans to give you hope and a future.
      -Jeremiah 29:11

  11. Daisy Alivarvar says:

    Hi..am a catholic since birth but i want to join your group. I am reading bible and applying it sa life ko…i want to be part of your groyp.im from antipolo… 😉

    Proverbs 3: 5-6
    Trust in the lord and lean not on your own understanding
    In all yours way..submot to him and he will straonght your path

    One of my favorite verse 😉

    • Hi there, Daisy! I thank God sa buhay mo at nagcomment ka to show interest sa Lord. I am jocaz, KKB member, or Kristiyanong Kabataan para sa Bayan. Same with History makers, Bible-believing and nation transformers din kami. Pwede mo ba i-email sakin ang contact information mo para mainform kita sa KKB dyan sa Antipolo. Thanks!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s